Monday, February 3, 2020

TAU GAMMA PHI REVISED HISTORY
Revision 1 – October 4,2012
Dahil sa mga kinahaharap na mga suliranin, paghahanap nang nararapat na mga solusyon, pagpapaunlad ng kanilang sarili, pamilya, pag aaral at komunidad na kanilang tinitirhan, napilitan ang mga mag aaral sa UP noong taong 1968 na sina Rodrigo Sta. Maria Confesor, Roy Alolor Ordinario, Talek Hamias Pablo, Vedasto Sario Venida, Restituto Alfonso and Romeo Fortes to na buuin ang ORDER OF THE U.P. TRISKELIONS. Ngunit sa hindi inaasahang mga kadahilanan, ang samahan nilang anim ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makabahagi o maka impluwensiya sa mga diskarte ng mga karamihan ng mga mag aaral sa UP noon, sa kadahilanan na noong panahon iyon ay mga Greek Lettered Organization lang ang tinatanggap na samahan ng mga mag aaral. Walang nagawa ang anim na kabataang ito kung hindi baguhin ang pangalan ng samahan nila sa tawag na ORDER OF THE GRAND TRISKELIONS. Nakita nilang lahat na mayroon silang pare pareho ugnayan ng kanilang mga interes at prinsipyo, hanggang napagkasunduan nila na iayon nila ang kanilang samahan sa pangkasalukuyang uso, Greek Lettered Organization, kaya ginawa nilang pangalan ay TAU GAMMA PHI Fraternity o Triskelion Grand Fraternity sa English noong October 4, 1968 sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.
Ipinakita ng mga kabataang ito ang discipline, collective determination and good examples, kaya ang Tau Gamma Phi ay nakakuha ng atensiyon at paggalang sa Kolehiyo ng Arts and Sciences ng Pamantasan ng Pilipinas. Ito ang naging dahilan upang ang mga magkakabarkadahan ni Borther Jun Rodriquez ay nag desisyong sumapi sa Tau Gamma Phi at ginanap sa Cavite ang unang Initiation Rites ng ating Kapatiran. Sa pangunguna ng kauna unahang Grand Triskelion, Rod Sta Maria Confesor, naisagawa nilang mapalawak ang nasasakupan ng Kapatiran hanggang sa makuha nila ang kontrol ng College of Arts and Science Student Body. Dahil sa kalakihan ng Kolehiyo ng Arts and Science, nag umpisa ang maraming pagsubok sa ating Kapatiran mula sa mga Fraternities na mas matagal at mas marami kaysa sa Tau Gamma Phi. Maraming beses na sinubukan nilang banggain at durugin ang Kapatiran. Pero walang nagtagumpay at nakita ng lahat ng mga Fraternities sa UP na ang Tau Gamma Phi ay isang Kapatiran na dapat nilang paghandaan. Dito na nagsimula ang Triskelion Supremacy.
Sa tagumpay na inani sa lahat ng pagsubok, sa discipline at pagtitiwala na nakuha ng Kapatiran sa UP, ang Triskelion ay lumaganap sa labas ng UP. Unang naging sangay ay sa Philippine Maritime Institute (PMI) at ikalawa ang FEATI University noong March 5, 1970, ikatatlo ang Mapua Institute of Technology noong April 1970 na na revive noong December 2, 1973, ika apat ang National University noong Ocotber 23, 1970. Sa panahong ito nabuo ang Metro Manila Regional Council at nagdaos ng kauna unahang Regional Convention sa Narvaez Farm sa Calamba, Laguna. Ang naging ika limang sangay ay ang University of Santo Tomas noong March 1, 1971. Noong 1972 ay nagdaos ng ikalawang Regional Convention sa San Pascual Elementary School sa San Pascual, Batangas, na ang nag asikaso sa lahat doon ay walang iba kung hindi ang Butihing Mayor, Leonardo Mendoza. Ang naging Ika anim na sangay ay ang Adamson University noong July 8, 1973. Ika pito ang National College of Business Arts (NCBA) noong October 1973. Ika walo ang University of the East noong January 21, 1974. Ika siyam ang Philippine School on Business Administration-Manila (PSBA). Ika sampu ang Manuel Luis Quezon University (M.L.Q.U.) noong October 8, 1974 at ang ika labing isa ay ang San Sebastian College (S.S.C.) noong November 19, 1974.
Nagkaroon uli ng ika tatlong Regional Convention sa Narvaez Farm sa Calamba, Laguna. Pagkatapos nito ay naging ika labing dalawang sangay ang Far Eastern University (FEU) noong July 27, 1975. Sumunod na ang Philippine College of Arts and Trade (P.C.A.T.), ngayon ay Technological University of the Philippines (T.U.P.) noong February 22, 1976, ang University of Manila (U.M.) noong March 7, 1976, ang Central Colleges of the Philippines (C.C.P.) noong July 11, 1976, ang Philippine College of Criminology (P.C.C.R.) noong August 7, 1976, ang Lyceum of the Philippines noong August 15, 1976, ang Gregorio Araneta University Foundation (G.A.U.F.) noong October 15, 1976, ang De Ocampo Memorial School (now D.O.M.C.) noong August 30, 1977, ang Eulogio " Amang Rodriguez Institute Science and Technology (E.A.R.I.S.T.) noong March 19, 1978, ang Philippine Air Transport and Training Services (P.A..S.) noong September 5, 1978, ang Philippine Merchant Marine School- Manila (P.M.M.S.-Mla.) noong March 2, 1979, ang Perpetual Help College of Rizal-Las PiƱas noong August 9, 1979, at sumunod na ang napakaraming mga sangay sa iba't ibang mga eskuwelahan.
Noong 1974-1975, upang maprotektahan at mabigyan ng ibayong lakas ang Kapatiran na bago pa lang lumalaki noon, napagkasunduan ng Metro Manila Regional Council na buuin ang mga sangay sa mga komunidad at sa mga Kabataan na tinatawag natin ngayon na Community Based Chapters (CBC's), Triskelion Youth Movement (TYM) at Triskelion Juniors sa mga High School ng mga Pamantasan na kasapi sa MMRC. Dito na nagsimula ang paglawak ng nasasakupan ng ating Kapatiran dahil kumalat na ito sa lahat ng Eskuwelahan, sa lahat ng mga Barangay at kahit na sa mga napakalalayong mga Barangay sa Pilipinas. Lumabas na din ito sa ating Bansa at nabuo ang iba't ibang mga International Councils sa palibot ng buong mundo, hanggang sa umabot na tayo sa ngayon.
Ano ano ang mga bagay na dapat nating maunawaan sa pagkakabuo ng ating Kapatiran:
Ang unang una ay ang HISTORY: TRISKELION GRAND FRATERNITY WAS FOUNDED IN UP-DILIMAN ON OCTOBER 4, 1968 BY:
1) FOUNDING FATHER RODOLFO JIM CONFESOR (DATE OF BIRTH: APRIL 12, 1950)
2) FOUNDING FATHER ROY ALOLOR ORDINARIO (DATE OF BIRTH: DECEMBER 20, 1949)
3) FOUNDING FATHER TALEK PANIRES PABLO (DATE OF BIRTH: SEPTEMBER 12, 1950)
4) FOUNDING FATHER VEDASTO TITO VENIDA (DATE OF BIRTH: NOVEMBER 17, 1949)
Note: Founding Fathers’ Family Names were arranged alphabetically.
ORIGINALLY, THERE WERE SIX (6) FOUNDING FATHERS BUT THE TWO (2) WERE EXPELLED FOR VIOLATING THE RULES AND REGULATIONS, CODES OF CONDUCT AND THE TENETS OF THE FRATERNITY.
Mga Kapatid, ipaalam natin sa lahat ng mga Kasapi ng ating Sangay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating mga Founding Fathers. Lagi nating isaisip na kung hindi sa kanila ay wala tayong ganitong Kapatiran. Ganoon din na bilang paggalang at pasasalamat sa kanila sa pagbibigay sa atin ng mga Tenets at Codes of Conduct na siyang ginagamit nating patnubay mula noong tayo ay mapabilang sa mga MAGKAKAPATID na TRISKELION, ngayon at hanggang sa magpakailan pa man.
Ang ikalawa ay ang ating TRISKELION PRAYER:
ALMIGHTY GOD, BLESS THIS BROTHERHOOD SO THAT IT WILL BE SUCCESSFUL IN ALL ITS ENDEAVORS. ENLIGHTEN AND STRENGTHEN OUR GENERAL MEMBERSHIP, FOR THEM TO MAINTAIN THE SUCCESS. WE PRAY FOR THE UNITY, PROGRESS AND A BETTER PROFESSIONALLY ORIENTED FRATERNITY AND SORORITY. AMEN
Makikita natin sa ating TRISKELION PRAYER na ito ay binuo at ginawa ng ating mga Founding Fathers na isang UNIVERSAL PRAYER. Puwede ito sa kahit na anong sekta ng relihiyon na kinabibilangan ng bawat isa sa ating mga Kapatid.
Ang TRISKELION PRAYER na ito ay naayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers sa pagbibigay nila ng kahulugan sa pangalan ng ating Kapatiran na:
TAU – TENETS OF TRISKELION
GAMMA – GOD’S GUIDANCE
PHI – PEACE, RESERVE, LIMITATION
Mga Kapatid, gawin natin ito at ipaalam natin sa ating Sangay na gawin nila ito at mahigpit na ipatupad bilang pagsunod nating lahat sa pananaw ng ating mga Founding Fathers. Isa ito sa ating ipinagmamalaking mga WISDOM ng ating mga Founding Fathers na dapat nating ingatan, pangalagaan, iseguro na susundin nating lahat at ng mga susunod pang mga sasapi sa ating Kapatiran hanggang sa magpakailan man.
Ang ika-tatlong paksa ay ang maunawaan natin ang kahulugan ng salitang “Triskelion”.
Ang Triskelion ay binubuo ng tatlong matitinding mga lakas na naglalayon na makontrol at masakop ang sanglibutan. Ang mga ito ay ang:
FORTIS - ang pangmatagalang lakas na may kadahilanan.
VOLUNTAS - ang pagkakaroon ng pansariling piniling kalayaan.
FRATERNITAS - isang natatanging Kapatiran na pinakamataas sa lahat ng klaseng Kapatiran.
Sa pananaw at sa pagkakasulat ng ating mga Founding Fathers ay ang mga sumusunod:
TRISKELION IS THE CONGLOMERATE OF THREE DYNAMIC FORCES WHICH AIMS TO RULE OR CONQUER THE UNIVERSE . . . . . NAMELY: FORTIS (FORTITUDE OR STRENGTH, REASONS) VOLUNTAS (VOLUNTARY FREE WILL) AND FRATERNITAS (BROTHERHOOD OF QUALITY)
Mga Kapatid, napapansin ninyo na sa pananaw ng ating mga Founding Fathers ay wala silang binanggit na leon o lion sa kahulugan ng “Triskelion”.
Ang origin ng TRISKELION ay: “Triskelion” mula sa New Latin, na mula naman sa Greek ay “triskeles” na ang kahulugan ay three legged, from “tri” (three) at “skelos” na ang kahulugan ay “leg”. Malinaw na malinaw na walang kinalaman ang Lion o Leon sa salitang “TRISKELION” kaya hindi nararapat na ihambing ang “TRISKELION” sa Lion o Leon o gumamit ng larawan ng lion o leon para maging simbulo ng TRISKELION. Mapapansin din ninyo na kahit noong umpisa pa lamang ng ating Kapatiran noong 1968 ay hindi gumamit ang ating mga Founding Fathers ng larawan ng Lion o Leon para maging simbulo ng TRISKELION.
Kaya sana Mga Kapatid ay iwasan na natin na gumamit ng larawan ng lion o leon bilang simbolo ng TRISKELION dahil hindi ito nararapat sa ating Kapatiran.
Ang ika apat ay ang pagpapahayag ng mga Prinsipyo o Idelohiya ng ating Kapatiran:
1) Ang TRISKELION GRAND FRATERNITY ay nagnanais na maitaguyod ang kapatiran sa mga kalalakihan at kababaihan sa lahat ng lipi, paniniwala at antas sa lipunan at kinabuhayan.
2) Ang TRISKELION GRAND FRATERNITY ay naniniwala na ang Kapatiran ay mananatili lamang kung ang mga Kasapi ay tapat sa mga Prinsipyo o Idelohiya ng Kapatiran at mga desisyon o alituntunin. Ang mga Prinsipyo ay ang mga ipinapatupad n gating GRAND COUNCIL, ang pinakamataas na Kapulungan sa ating Kapatiran.
3) Ang TRISKELION GRAND FRATERNITY ay umaayon lamang sa kooperasyon o pakiiisa upang matamo o maisakatuparan ang pangkalahatang layunin.
Sa pananaw at sa pagkakasulat ng ating mga Founding Fathers ay ang mga sumusunod:
DECLARATION OF PRINCIPLES:
1. THE TRISKELION GRAND FRATERNITY AIMS TO FOSTER BROTHERS AND SISTERS OF ANY RACE, CREED, SOCIAL AND ECONOMICAL STATUS.
2. THE TRISKELION GRAND FRATERNITY BELIEVES THAT THE FRATERNITY CAN ONLY EXIST IF ITS MEMBERS ARE LOYAL TO THE PRINCIPLES OF THE FRATERNITY AND DECISION. PRINCIPLES PROMULGATED BY THE GRAND COUNCIL, ITS HIGHEST RULING BODY.
3. THE TRISKELION GRAND FRATERNITY ADHERES THE COOPERATION FOR THE ATTAINMENT OF THE COMMON OBJECTIVES.
Kaya sana mga Kapatid, maipaliwanag natin ng maayos sa lahat ng mga Kasapi ang nilalaman ng mga Prinsipyo at Idelohiya na ipinapatupad sa ating lahat.
Una, ang pagnanais na maitaguyod ang kapatiran sa mga kalalakihan at kababaihan sa lahat ng lipi, paniniwala at antas sa lipunan at kinabuhayan. Sa mga Kasapi, ang Kapatiran ay hindi tumitingin sa kulay ng balat o kung anong lahi, o kung ano man ang pananampalataya o kung ano man ang antas niya sa lipunan at ang kanyang kinabuhayan.
Ikalawa, ang paniniwala na ang Kapatiran ay mananatili lamang kung ang mga Kasapi ay tapat sa mga Prinsipyo o Idelohiya ng Kapatiran at mga desisyon o alituntunin. Ang katapatan ng mga Kasapi sa Prinsipyo ng Kapatiran, kasama na dito ang katapatan sa pagsunod sa ating Tenets at Codes of Conduct, ang magpapatatag at magpapanatili ng ating Kapatiran magpakailan man.
Ikatatlo, ang pagsang ayon lamang sa kooperasyon o pakiiisa upang matamo o maisakatuparan ang pangkalahatang layunin ng Kapatiran. Malinaw na malinaw dito na matatamo lamang natin ang ating hinahangad na pangkalahatang layunin ng ating Kapatiran sa pamamagitan ng kooperasyon at pagkakaisa nating lahat.
Ang ika lima ay ang ating mga TENETS o mga PRINSIPYO o mga IDELOHIYA o mga BATAS ng ating Kapatiran:
Sa pananaw at sa pagkakasulat ng ating mga Founding Fathers ay ang mga sumusunod:
TENETS:
1. THE TAU GAMMA PHI IS THE TRISKELIONS’ GRAND FRATERNITY, MY FRATERNITY, THE SUPREME FRATERNITY.
2. PRIMUM NIL NOCERE. FIRST OF ALL DO NOT HARM, LET ALONE IN DEFENSE OF ONESELF, FOR WHATEVER CAUSE MAN HAS COME INTO BEING, FOR WHATEVER REASON HE EXIST, TO WHEREVER HE IS DESTINED, KEEN TO ALL LIVING CREATURES AROUND HIM, MAN IS BROTHER UNTO MAN.
3. DE GUSTIBUS NON DESPUTANDUM EST. OF LIKES AND DISLIKES THERE SHOULD BE NO DISPUTING. LIVE AND LET LIVE.
4. PRESERVE YOURSELF, BRAWN, BRAIN AND BLOOD.
5. BROTHERS, I SHALL LOVE AND RESPECT, THEIR COUNSEL, I SHALL HEED.
6. __________________________ IS MY ALMA MATER TO CHERISH AND TO HONOR. BY ITS RULES BE GOVERNED AND GUIDED.
7. THE GRAND TRISKELION IS RIGHTEOUS, JUST AND STRONG. HE SHALL BE OBEYED.
8. A TRISKELION IS A BROTHER UNTO HIS FELLOW TRISKELION.
Mga Kapatid, dapat na maipaliwanag natin ng maayos sa lahat ng mga Kapatid natin ang kahulugan ng bawat isa sa ating mga TENETS. Dapat ay pareho ang ating mga paliwanag upang ang lahat ay magkaisa sa pananaw sa bawat isang TENET.
Ang Unang TENET ng ating Kapatiran:
THE TAU GAMMA PHI IS THE TRISKELIONS’ GRAND FRATERNITY, MY FRATERNITY, THE SUPREME FRATERNITY.
Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, ang TAU GAMMA PHI ay mga Greek Letters na TAU, GAMMA at PHI na tumutukoy sa bawat isa sa English Letters na TRISKELION GRAND FRATERNITY. TAU para sa TRISKELION, GAMMA para sa GRAND at PHI para sa FRATERNITY. Ang Unang TENET ay isang pagkilala at paghahayag ng pangalan ng Kapatirang TAU GAMMA PHI o TRISKELION GRAND FRATERNITY, pagtanggap nito sa pamamagitan ng hayagang pag angkin at ang pagsasabi sa lahat na ito ang PINAKAMATAAS na Kapatiran.
Ito ang pinakamahalagang TENET ng isang TRISKELION dahil dito sa Unang TENET ipinaaalam niya sa lahat ng tao na siya ay isang TRISKELION, na nakahandang gawin ang lahat ng mga tungkulin na dapat niyang gampanan bilang isang TRISKELION, mabuhay ng matiwasay bilang isang TRISKELION at siguruduhin na mapanatili ang TAU GAMMA PHI bilang PINAKAMATAAS na KAPATIRAN.
Ang Ikalawang TENET ng ating Kapatiran:
PRIMUM NIL NOCERE. FIRST OF ALL DO NOT HARM, LET ALONE IN DEFENSE OF ONESELF, FOR WHATEVER CAUSE MAN HAS COME INTO BEING, FOR WHATEVER REASON HE EXIST, TO WHEREVER HE IS DESTINED, KEEN TO ALL LIVING CREATURES AROUND HIM, MAN IS BROTHER UNTO MAN.
Ang kahulugan ng mga salitang Latin na PRIMUM NIL NOCERE ay FIRST OF ALL, DO NOT HARM.
FIRST OF ALL DO NOT HARM, LET ALONE IN DEFENSE OF ONESELF, FOR WHATEVER CAUSE MAN HAS COME INTO BEING, FOR WHATEVER REASON HE EXIST, TO WHATEVER HE IS DESTINED, KEEN TO ALL LIVING CREATURES AROUND HIM, MAN IS BROTHER UNTO MAN. Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat huwag kang mananakit, maliban sa pagtatanggol sa sarili kung ano man ang kadahilan na naroroon sa ganoong sitwasyon, kung anuman ang kararatnan, ipakita ang kalakasan, ipadama ang kapangyarihan at maging kaakit akit at kagiliw giliw sa lahat ng nilalang na may buhay sa kanyang paligid. Nais kong ipaalala sa inyo na ang Utos na “Huwag kang manakit” ay mismong Ikalawang Utos ng Mahal Na Lumikha sa lahat ng mga tao, “Huwag kang mananakit ng iyong kapuwa, sa isip, sa salita at sa gawa”. Ibig sabihin nito, bilang mga TRISKELION, tayo ay hindi dapat na manguna sa pananakit ng ating kapuwa, lalo na sa ating mga Kapatid na TRISKELION. Ating isaisip ito at ating pagtuunan ng pansin.
MAN IS A BROTHER UNTO MAN. Itanim natin sa ating mga isip na ang isang nilalang na tao ay isang kapatid sa kanyang kapuwa nilalang. Kung ituturing mo ang kapuwa mo bilang kapatid, magkakaroon ka ng katahimikan dahil magiging matiwasay ang kalooban mo dahil sa wala kang kaaway.
Ang Ikatatlong TENET ng ating Kapatiran:
DE GUSTIBUS NON DESPUTANDUM EST. OF LIKES AND DISLIKES THERE SHOULD BE NO DISPUTING. LIVE AND LET LIVE.
Ang kahulugan ng mga salitang Latin na DE GUSTIBUS NON DESPUTANDUM EST ay OF LIKES AND DISLIKES THERE SHOULD BE NO DISPUTING.
OF LIKES AND DISLIKES THERE SHOULD BE NO DISPUTING. LIVE AND LET LIVE. Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat kung anuman ang ating kagustuhan at hindi kagustuhan ay HINDI NARARAPAT na ito ay pagtalunan o pag awayan, lalong lalo ng Magkapatid na TRISKELION. Bakit HINDI NARARAPAT? Dahil mayroon ang bawat isang TRISKELION ng VOLUNTAS o kalayaan na Isa sa Tatlong Lakas ng Ating Kapatiran. Kung ang bawat isang TRISKELION ay may KARAPATANG VOLUNTAS, nararapat lamang na igalang natin iyon dahil iyon mismong Kapatid natin ay ganoon din ang gagawin na igagalang din tayo at tulad natin, ay hindi rin siya mag uumpisa ng pakikipagtalo at pakikipag away bilang pagsunod dito sa ikalawang TENET natin. Dahil din sa KARAPATANG VOLUNTAS, mabubuhay tayo sa gusto natin at hahayaan nating mabuhay din ang mga Kapatid natin sa mga kagustuhan nila kahit na ang mga iyon ay hindi naaayon sa kagustuhan natin. Kaya Mga Kapatid, malinaw na malinaw sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, na bilang Magkakapatid na TRISKELION, hindi tayo dapat na magtatalo o mag aaway, ng palihim man o hayagan sa harapan ng lahat ng ating mga Kapatid. Kung may anumang sigalot o hindi pagkakaunawaan o hindi nagugustuhan, ang lahat ay hindi nararapat na solusyunan ang mga iyon sa pamamagitan ng pagtatalo o pag aaway. Mas nararapat na huwag na lamang pansinin iyon o huwag na lang magpahayag ng kahit na anong pagtutol o pagpapaliwanag at hayaan na lang na makalimutan iyong bagay na iyon sa paglipas ng panahon.
Ang Ikaapat na TENET ng ating Kapatiran:
PRESERVE YOURSELF, BRAWN, BRAIN AND BLOOD. Strength, intelligence or reasoning, relationship.
Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat nating pangalagaan at pahalagahan ang ating kalakasan (BRAWN means Strength), ang ating kaisipan (BRAIN means intelligence or reasoning) at ang ating kapatirang ugnayan (BLOOD means relationship). Malinaw na malinaw na ang kalakasan ay ang pagkakaisa nating lahat dahil kung hiwa hiwalay tayo ay hinding hindi tayo magkakaroon ng kalakasan. Ang ating kaisipan na tumutukoy sa NAG IISANG PANINIWALA AT PAGSUNOD nating lahat sa ating mga TENETS at CODES OF CONDUCT. Nararapat na IISA lamang ang ating PAKAHULUGAN at KAALAMAN sa ating mga TENETS at CODES OF CONDUCT at nararapat din na itong NAG IISANG KAALAMAN na ito ay ating mabantayan at hindi mabago ang kahit na isang letra at ang kahulugan, mula noong mabuo ang Kapatiran, ngayon at magpasawalang hanggan. Malinaw na malinaw din na dapat nating pangalagaan at pahalagahan ang kapatirang ugnayan ng bawat isang TRISKELION sa kanyang kapuwa TRISKELION. Ang kalakasan, kaisipan at kapatirang ugnayan ay hindi puwedeng magkahiwa hiwalay kaya nararapat na ang mga ito at mapangalagaan. Kung may nakikita kayo na hindi magandang ugnayan o talakayan, sa sulat man o sa salita ng mga TRISKELIONS, nararapat na pahintuin ninyo iyon agad agad sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na lumalabag sila sa Ika Apat na TENET ng Kapatiran at hindi nararapat na sila ay magpatuloy. Huwag na ninyong hayaan na humaba pa at lumaki ang alitan at dumating sa hindi magandang punto ng pag uusap ng mga Magkapatid.
Ang Ikalimang TENET ng ating Kapatiran:
Sa pananaw at sa pagkakasulat ng ating mga Founding Fathers ay ang sumusunod:
BROTHERS, I SHALL LOVE AND RESPECT, THEIR COUNSEL, I SHALL HEED.
Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat nating mahalin at igalang ang ating mga Kapatid na TRISKELIONS at ang kanilang payo ay dapat nating sundin. Malinaw na malinaw sa kahulugan nito ang Kapatirang Ugnayan ng bawat isang TRISKELION na pagmamahalan at paggalang. Pagmamahalan bilang mga Magkakapatid at paggalang sa mga nauna at sa mga Pinuno at MDG’s ng ating Kapatiran, lalong lalo na ang paggalang sa ating mga Founding Fathers. Ang payo ng Kapatid na TRISKELION ay dapat nating sundin dahil iyon ay isang payo na naghahangad ng ikabubuti ng isang Kapatid sa kanyang Kapatid. Malinaw na malinaw na binibigyan tuon dito ng ating Founding Fathers ang pagsunod ng lahat sa mga payo ng bawat isa para sa matiwasay na pagsasama bilang magkapatid.
Ang Ikaanim na TENET ng ating Kapatiran:
_UNIVERSITY OF SANTO TOMAS (UST)_ IS MY ALMA MATER TO CHERISH AND TO HONOR. BY ITS RULES BE GOVERNED AND GUIDED.
Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat nating bigyan ng pagpapahalaga at paggalang ang Sangay (Chapter) kung saan tayo ay natanggap bilang isang TRISKELION. Nararapat lamang na mahalin natin ito dahil sa Sangay na ito tayo naging isang TRISKELION at nararapat lamang na ito ay ating pahalagahan, sumunod sa mga alituntunin nito na patuloy na naghuhubog sa atin at nagpapatnubay.
Ang Ikapitong TENET ng ating Kapatiran:
THE GRAND TRISKELION IS RIGHTEOUS, JUST AND STRONG. HE SHALL BE OBEYED.
Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat tayong sumunod sa ating Grand TRISKELION dahil siya ay nasa tama, walang kinikilingan at nasa kanya ang kapangyarihan upang pamunuan ang ating Sangay. Malinaw na malinaw sa isinasaad nito ang utos sa ating lahat ng ating mga Founding Fathers sa mahigpit na pagsunod sa namumuno ng ating Sangay. Ang Grand TRISKELION ang siyang inihalal ng lahat ng mga Kasapi sa Sangay dahil sa nakikita ng lahat ng Kasapi sa pagkakaroon niya ng kakayahang mamuno, matatag na paninindigan at pantay na pagtingin sa lahat ng mga Kasapi.
Ang Ikawalong TENET ng ating Kapatiran:
A TRISKELION IS A BROTHER UNTO HIS FELLOW TRISKELION.
Mga Kapatid, ayon sa pananaw ng ating mga Founding Fathers, dapat nating itanim sa ating mga isipan na ang isang TRISKELION ay Kapatid ng isang kapuwa TRISKELION mula ng maging TRISKELION hanggang sa magpakawalang hanggan. Malinaw na malinaw ang isinasaad at binigyang pansin ng ating mga Founding Fathers ang KAPATIRANG UGNAYAN ng bawat isang TRISKELION. Dito sa TENET na ito tinuldukan ng ating mga Founding Fathers ang ating UGNAYAN na hindi nararapat na suwayin ng kahit na sino. Paalala lamang mga Kapatid, na dapat iyong mga Founding Fathers natin ay anim (6) at hindi lamang apat (4), ngunit sa kadahilanan na iyong dalawa ay sumuway sa ating TENETS at CODES OF CONDUCT kaya walang nagawa iyong apat (4) kung hindi alisin na agad sila sa umpisa pa lamang ng Kapatiran. Ibig sabihin nito na ang pagsuway sa kahit na anong TENET natin ay sapat na sapat na upang alisin ang sumuway sa ating Kapatiran. Huwag nating hintayin na mangyari ito mga Kapatid. Sumunod na tayo sa ating TENETS at CODES OF CONDUCT.
Mga Kapatid, alam nyo ba na ginawa ng ating mga Founding Fathers ang ating mga TENETS na ayon sa kani kanilang CHRONOLOGICAL ORDER? Hindi puwedeng pagpalit palitin ng bilang ang bawat TENET. Ibig sabihin ay iyong TENET No. 1 ay hindi puwedeng gawing TENET No. 3 o kahit na anong number. Iyong TENET No. 1 ay dapat TENET No. 1 lamang at ganoon din iyong ibang mga TENETS. Ito ang isang maipagmamalaki nating WISDOM ng ating mga Founding Fathers, na sa idad nilang 18 at 19 years old noong binuo nila itong ating Kapatiran ay nagawa nila itong ating TENETS na may pagkakasunud sunod at hindi puwedeng pagpalit palitan ng bilang.
Sa pananaw at sa pagkakasulat ng ating mga Founding Fathers ay ang mga sumusunod:
1. THE TAU GAMMA PHI IS THE TRISKELIONS’ GRAND FRATERNITY, MY FRATERNITY, THE SUPREME FRATERNITY.
Ito ay isang PAGHAHAYAG sa lahat ng tamang pangalan ng ating Kapatiran, PAGHAHAYAG ng ating pagtanggap at pag angkin sa Kapatiran, PAGHAHAYAG ng pagiging Kataastaasang ng ating Kapatiran.
2. PRIMUM NIL NOCERE. FIRST OF ALL DO NOT HARM, LET ALONE IN DEFENSE OF ONESELF, FOR WHATEVER CAUSE MAN HAS COME INTO BEING, FOR WHATEVER REASON HE EXIST, TO WHEREVER HE IS DESTINED, KEEN TO ALL LIVING CREATURES AROUND HIM, MAN IS BROTHER UNTO MAN.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION, dapat na malaman naman natin ang mga hindi dapat nating gawin bilang Triskelion. Tulad ng utos na “ang TRISKELION ay hindi dapat na manakit ng iyong kapuwa tao sa kahit na anong kadahilanan dahil ang tao ay kapatid sa kanyang kapuwa tao”. Ito ay isang pagpapatunay na ang TRISKELION ay sumusunod sa utos ng Mahal Na Lumikha at malinaw na malinaw na isang sibilisadong nilalang dito sa mundo.
3. DE GUSTIBUS NON DESPUTANDUM EST. OF LIKES AND DISLIKES THERE SHOULD BE NO DISPUTING. LIVE AND LET LIVE.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION at ang pagsunod sa utos na huwag manakit, dapat na malaman ng isang TRISKELION na hindi dapat na pagtalunan ang kahit na anong bagay na hindi napapagkasunduan. Dapat ay mabuhay ang bawat isa sa gusto niya at hayaan ang iba na mabuhay sa gusto nila.
4. PRESERVE YOURSELF, BRAWN, BRAIN AND BLOOD.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION, ang pagsunod sa utos na huwag manakit at ang pagsunod sa utos na huwag makipagtalo, ay pinapayuhan naman tayo na panatilihin ang ating kalakasan, pag iisip at ang Kapatirang Ugnayan. Isang malinaw na payo na mapanatili ang ating pansariling kaayusan.
5. BROTHERS, I SHALL LOVE AND RESPECT, THEIR COUNSEL, I SHALL HEED.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION, ang pagsunod sa utos na huwag manakit, ang pagsunod sa utos na huwag makipagtalo, ang pagsunod sa payo na mapanatili ang ating pansariling kaayusan, ay pinapayuhan naman tayo na laging isaisip ang pagmamahal at paggalang sa isang Kapatid na TRISKELION at pagtanggap sa kanyang mga payo . Isang malinaw na payo na pagmamahal sa isang Kapatid.
6. __________________________ IS MY ALMA MATER TO CHERISH AND TO HONOR. BY ITS RULES BE GOVERNED AND GUIDED.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION, ang pagsunod sa utos na huwag manakit, ang pagsunod sa utos na huwag makipagtalo, ang pagsunod sa payo na mapanatili ang ating pansariling kaayusan, ang pagsunod sa payo na pagmamahal sa isang Kapatid, ay pinapaalala naman sa atin ang paghahayag ng ating pinagmulan, kung saan tayo ay naging isang TRISKELION, pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga at karangalan sa ating pinagmulan at pagsunod sa kaniyang mga Alituntunin at pamamatnubay.
7. THE GRAND TRISKELION IS RIGHTEOUS, JUST AND STRONG. HE SHALL BE OBEYED.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION, ang pagsunod sa utos na huwag manakit, ang pagsunod sa utos na huwag makipagtalo, ang pagsunod sa payo na mapanatili ang ating pansariling kaayusan, ang pagsunod sa payo na pagmamahal sa isang Kapatid at ang pagpapahalaga sa ating pinagmulan, ay ang pagbibigay sa atin ng tamang pagkilala sa ating Pinuno (Grand TRISKELION) at nararapat na pagsunod.
8. A TRISKELION IS A BROTHER UNTO HIS FELLOW TRISKELION.
Ngayong naipahayag na natin ang ating pagtanggap bilang TRISKELION, ang pagsunod sa utos na huwag manakit, ang pagsunod sa utos na huwag makipagtalo, ang pagsunod sa payo na mapanatili ang ating pansariling kaayusan, ang pagsunod sa payo na pagmamahal sa isang Kapatid, ang pagpapahalaga sa ating pinagmulan at ang pagkilala sa ating Pinuno ay ibinibigay naman sa ating pinakahuling TENET ang KAGANAPAN ng ating pagiging isang TRISKELION na isang Kapatid sa kanyang kapuwa TRISKELION. Ito ang kukumpleto sa atin upang maging isang TRISKELION.
Mga Kapatid, maihahambing natin itong mga TENETS sa mga sumusunod:
​Ang ating TENETS​Sa isang Tao​Ang Isang TRISKELION
1) TENET No. 1 – Pagpapahayag ​– Sanggol ​- Ang pagsilang bilang isang
TRISKELION.
2) TENET No. 2 – Huwag Manakit ​– 2–7 yrs old ​- Unang aral sa umpisa.
3) TENET No. 3 – Huwag Magtalo​- 8–12 yrs old​- Ikalawang aral sa umpisa.
4) TENET No. 4 – Sariling Kaayusan​- 13–19 yrs old​- Payo sa Pansarili.
5) TENET No. 5 – Pagmamahalan​- 20–25 yrs old​ - Payo para gawin sa iba.
6) TENET No. 6 – Pagpapahalaga​- 26–34 yrs old​- Pagtanaw sa pinagmulan.
7) TENET No. 7 – Pagkilala​- 35–44 yrs old​- Pagkilala at pagsunod.
8) TENET No. 8 – Kapatiran​- 45 & Above​- Kaganapan bilang isang
TRISKELION.
Mga Kapatid, ang paghahalintulad ko sa itaas ay upang gawing simple at madaling maunawaan ang CHRONOLOGICAL ORDER ng ating mga TENETS at walang kinalalaman sa idad ng bawat isang TRISKELION. Binigyang diin ko lang kung ano ang kahalintulad, mula sa isang sanggol na isinilang hangang sa dumating siya sa kanyang idad na 45 pataas. Sana ay hindi ninyo ako ma misinterpret sa aking ginawang comparison. Gusto ko lang ipakita sa inyo ang WISDOM ng ating mga Founding Fathers sa paggawa nila nitong ating mga TENETS na siyang gabay ng bawat isa sa ating Kapatiran upang maging isang tunay na TRISKELION. Dapat nating pahalagahan ang ating mga TENETS at bilang pasasalamat sa ating mga Founding Fathers, ay nararapat lamang na ang ating mga TENETS ay ating mabantayan, maisigurong hindi mababago kahit na isang letra lang at maipaliwanag natin ng maayos ang kahulugan sa lahat ng mga Kapatid natin, ngayon, sa hinaharap at hanggang sa magpakailan pa man.
Ang ika anim ay ang ating mga CODES OF CONDUCT ay ang mga sumusunod:
T​- TREAT OTHERS AS YOU WOULD HAVE THEM TREAT YOU.
Tratuhin natin ang ating kapuwa TRISKELION o kahit na hindi natin kapuwa TRISKELION (huwag lamang kaaway), bilang Kapatid na naaayon sa ating TENETS at CODES OF CONDUCT upang makita nila at madama ang ating magandang intensiyon at ng sa ganoon ay ganoon din ang gagawin nilang pagtrato sa atin. Ipakita natin sa lahat na ang mga TRISKELION ay sibilisado at may magagandang mga alituntunin na sinusunod.
R​- RISE TO DEFEND THE NAME AND HONOR OF THE FRATERNITY WHENEVER IT IS UNJUSTLY CRITIZISED.
Ipagtanggol ang PANGALAN at DANGAL ng ating Kapatiran kung ito ay binabatikos sa hindi patas na kadahilanan.
I​- INFORM AND ORIENT YOUR FELLOW BROTHERS ON EVERY MATTER YOU CONSIDER VITAL TO THE FRATERNITY.
Ipaalam at ipaliwanag sa kapuwa Kapatid na TRISKELION ang lahat ng bagay na maituturing na napakahalaga sa ating Kapatiran.
S​- SALUTE AND ADDRESS YOUR FELLOW BROTHERS IN THE PROPER MANNER.
Magpugay at gumalang sa kapuwa Kapatid na TRISKELION sa tamang paraan.
K​- KEEP DECORUM IN ALL FRATERNITY MEETINGS AND ACT ACCORDINGLY OUTSIDE OF THE
FRATERNITY.
Panatilihin na magkaroon ng sapat na bilang sa bawat pagpupulong ng Kapatiran at kumilos ng tama sa mga ginagawa sa labas ng Kapatiran.
E​- EXCEL IN YOUR CHOSEN FIELD OF INTEREST AND ENDEAVOR.
Piliting matamo ang tagumpay sa inyong piniling gawain.
L​- LIVE A LIFE OF MODERATION; AVOID GLUTTONY, VICES AND DRUNKENNESS, LEST YOU FORGET GOD, COUNTRY, FAMILY, STUDIES/OR WORK AND FRATERNITY.
Mamuhay ng simple at nararapat lamang: iwasan ang kasakiman, mga bisyo at pagkalango, na magpapalimot sa Mahal Na Lumikha, sa ating Bansa, sa ating Pamilya, sa ating pag aaral o trabaho at sa ating Kapatiran.
I​- IN YOUR EVERYDAY LIFE, TAKE CARE OF WHAT YOU WRITE AND SAY, BEWARE OF MISINTERPRETATION AND LASTING MISUNDERSTANDING.
Sa pang araw araw na buhay, maging maingat sa isusulat at sasabihin, iwasan ang maling pag intindi at ang pangmatagalang hindi pagkakaunawaan. Bilang Magkakapatid na TRISKELION, maging maingat tayo sa ating pakikipag usap sa ating kapuwa Kapatid na TRISKELION, kahit sa Facebook. Huwag basta magmumura sa iyong Kapatid na TRISKELION. Hindi rin dapat na iyong sama ng loob sa isang Kapatid na TRISKELION ay nakatanim sa isipan. Alisin o burahin itong sama ng loob, magpatawaran at kalimutan na ang kahit na anong naging samaan ng loob sa isa’t isa, bilang pagsunod dito sa ating CAPITAL I.
O​- OBEY ALL FRATERNITY RULES AND REGULATIONS; BE GUIDED IN YOUR DAILY VENTURES BY THE TENETS OF THE FRATERNITY.
Sundin ang lahat ng Alintuntunin ng Kapatiran, gawing patnubay sa pang araw araw na ginagawa ang mga TENETS ng ating Kapatiran. Isaisip ang mga hindi dapat na gawin at ang mga dapat na gawin at sundin ang mga payo na malinaw na isinasaad sa ating mga TENETS.
N​- NEVER REVEAL TO ANYONE, NOT TO YOUR FAMILY NOR TO YOUR FRIENDS THE CONCERNS OF THE FRATERNITY.
Huwag ipapaalam kahit na kanino, kahit sa Pamilya o sa mga Kaibigan, ang mga mahahalagang bagay na naaayon sa Kapatiran.
Mga Kapatid, malinaw ang isinasaad ng bawat isa sa ating CODES OF CONDUCT na itinuturo ng mga ito sa atin ang tamang landas na dapat nating tahakin upang maipakita natin sa lahat ang pagiging isang TRISKELION natin. Ang mga Kaalamang ito ay hindi natin dapat na ipagkait sa ating mga Kapatid na TRISKELION sa lahat ng Sangay, Seniors, Juniors, CBC’s at TYM’s dahil dito lamang sa mga Kaalamang ito natin mapagkaka isa ang lahat ng Kasapi sa ating Kapatiran. Ang pagkakaisa na pinapangarap noon sa atin ng ating mga Founding Fathers at hinahangad naman na matamo ngayon ng bawat isa sa atin.
Sana sa mga paliwanag ko ay naibigay ko sa inyong lahat ang mga nararapat na kaalaman na dapat nating isaisip lagi bilang mga TRISKELION ng ating Minamahal na Kapatiran. Hanggang dito na lamang at sana ay maiparating din ninyo itong mga Kaalamang ito sa lahat ng ating mga Kapatid na TRISKELION, sa lahat ng Sangay ng ating Kapatiran. CAPITAL S sa inyong lahat, Mga Kapatid na TRISKELIONS !!!
Phabie A. dela Pena, UST MDG ’71 December 23, 2011
Bilang isang TRISKELION, natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka naging TRISKELION? Papaano ka Magiging TRISKELION? Ano ang iyong papel na gagampanan sa Kapatiran? At papaano ka MAGIGING GANAP na TRISKELION?
Ang mga sumusunod na mga mahahalagang bagay tungkol sa ating Kapatirang TRISKELION ang dapat na malaman at maunawaan ng bawat isang TRISKELION:
Ipaalam natin ito sa lahat . . . .
Una :-
Ang ating Kapalaran. Ang isang TRISKELION bago pa man ipanganak at nakatakdang maging TRISKELION, ay magiging TRISKELION sa ayaw at sa gusto niya, sa ayaw at sa gusto ng mga nagpataw ng ritwal ng Kapatiran sa kanya at sa ayaw at gusto ng bawat isa sa atin ngayon. Ang isang TRISKELION ay isang TRISKELION sa ayaw at sa gusto nating lahat dahil iyan ang isa sa itinakda sa kanyang KAPALARAN ng Ating Mahal Na Lumikha . . . . . na magiging TRISKELION siya. May makakapagpabago ba nito? WALA, kung hindi ang Mahal Na Lumikha LAMANG !!! May kasabihan tayo na . . . . hindi tayo ang gumagawa ng ating kapalaran . . . ang lahat ng ating kapalaran dito sa mundo ay nakatakda na kahit na mula pa noong bago lamang tayo nabubuo sa sinapupunan ng ating Mahal na Ina. Makakapili ka ba ng Kapatirang iyong sasamahan? HINDI, dahil nakatakda kang maging isang TRISKELION, kaya magiging TRISKELION ka !!! Ang bawat TRISKELION na ibinigay sa atin ng Mahal Na Lumikha ay dapat nating sinupin, mahalin at asikasuhin upang ganap na maging TRISKELION. Huwag na huwag nating hahayaan na mawala siya sa ating Kapatiran. Kung siya man ay naliligaw ng landas, dapat nating ituro sa kanya ang tamang landas upang makabalik siya sa ating Kapatiran.
Ikalawa :–
Papaano Tayo Magiging TRISKELION? Pumasok tayo sa Kapatirang TRISKELION . . . sumailalim tayo sa ritwal at pagtanggap . . . . . naging TRISKELION na tayo !!! Sapat na ba ito upang maituring tayong GANAP na TRISKELION? HINDI !!! Magiging TRISKELION lamang tayo sa pagtupad natin sa ating TENETS at CODES OF CONDUCT at ang pagsasagawa natin nito sa ating buhay upang marating natin ang pagiging GANAP na TRISKELION.
Ika tatlo :–
Ano ang iyong papel na gagampanan sa ating Kapatiran? Isa akong Kasapi, tapos nakasama sa Pamunuan ng aming Sangay, tapos naging DGT, tapos naging GT, tapos naging MDG. Nagawa ko na ang aking kontribusyon sa Kapatiran sa pamamagitan ng aking mga nagawa kaya pahinga na ako at bahala na sa Kapatiran iyong mga nakababatang mga Kapatid. Ito ba ang papel na dapat na gampanan ng bawat isang TRISKELION? HINDI !!! Ang bawat isang TRISKELION, anuman ang idad, anumang Sangay ang inaniban at anumang antas ang narating sa kapatiran ay maraming mahahalagang mga tungkulin at papel na dapat na gampanan sa ating Kapatiran, mula ng siya ay maging TRISKELION at hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga. Ang isang TRISKELION ay hindi isang PALAMUTI lamang sa ating Kapatiran, bagkus ay may kanya-kanyang papel na dapat na gampanan.
Ang mga TUNGKULIN na dapat na gampanan ng bawat isa sa atin ay ang mga sumusunod:
A) Kailangan nating sundin, itanim sa ating mga isipan at ipatupad ng mahigpit ang ating mga TENETS at CODES OF CONDUCT. (Pagsunod sa CAPITAL O)
B) Kailangan nating panatilihin ang pagkakaisa at ang pagbubuklod ng lahat ng mga Kapatid ng ating Kapatiran. Kung may naliligaw, dapat ay ituro natin ang tamang daan para makabalik siya sa Kapatiran, hindi iyong lalo natin siyang ililigaw o aawayin para tuluyan na siyang maligaw. Iyon namang kusang humihiwalay, hindi ka dapat na humiwalay sa karamihan. Mahalaga ang bawat isa sa ating mga Kapatid sa Kapatiran. (Pagsunod sa AIMS AND PURPOSES – TGP/TGS SHALL DO ITS BEST AND STRIVE HARD TO KEEP FELLOWSHIP AMONG ITS MEMBERS)
C) Kailangan na panatilihin natin ang pagmamahalang magkakapatid ng bawat TRISKELION. Ang Kapatid na TRISKELION ay hindi KAAWAY at dapat din na walang nagagalit sa atin na Kapatid nating TRISKELION. (Pagsunod sa TENET No. 5, TENET No. 8, CAPITAL T, CAPITAL S)
D) Kailangan na marunong tayong magpatawad sa mga Kapatid nating TRISKELION na nagkasala sa atin o nakasakit sa ating damdamin. Hindi iyong ituturing nating kaaway ang isang Kapatid na TRISKELION. (Pagsunod sa TENET No. 5, TENET No. 8, CAPITAL T)
E) Kailangan na marunong tayong tumanggap ng pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ating pinagkasalahang Kapatid na TRISKELION, kung ang pagkakasala man ay sinadya o hindi sinadya. (Pagsunod sa TENET No. 5, TENET No. 8, CAPITAL T)
F) Kailangang maingat tayo sa pagbibitiw ng anumang salita sa ating Kapatid na TRISKELION at hindi nararapat na magbitiw tayo ng mga salita na may dalawang pakahulugan o may natatagong kahulugan. (Pagsunod sa SECOND CAPITAL I)
G) Kailangan na huwag tayong makikipagtalo, mag uumpisa ng pagtatalo o maghahamon ng pagtatalo na siyang magre resulta ng hindi pagkakaunawaan sa ating mga Kapatid na TRISKELION. (Pagsunod sa TENET No. 3)
Bilang Magkakapatid na TRISKELION at upang masunod natin ang pitong nabanggit kong tungkulin ay kailangan din na kalimutan na natin ang lahat ng kung ano mang mga naging hindi pagkakaunawaan sa nakaraan sa pag itan ng mga Kapatid na TRISKELION. Dapat na ibaon na natin sa limot ang mga pangyayari, ugnayan, usapan o kung ano man na ikinasakit ng loob o damdamin ng bawat isa.
Ikaw bilang Isang TRISKELION, nalalaman mo ba at nagagawa mo ang mga tungkuling ito?
Ika-apat :–
Ang KAGANAPAN ng pagiging isang TRISKELION. Nagawa mo na ba, ginagawa mo ba at iyong siguradong gagawin sa hinaharap ang pitong tungkuling binanggit ko kung papaano maging TRISKELION? Ikaw lamang Kapatid na TRISKELION ang makakahusga sa iyong SARILI kung nakuha mo na ang KAGANAPAN ng iyong PAGIGING TRISKELION !!!
ALMIGHTY GOD, BLESS THIS BROTHERHOOD SO THAT IT WILL BE SUCCESSFUL IN ALL ITS ENDEAVORS. ENLIGHTEN AND STRENGTHEN OUR GENERAL MEMBERSHIP, FOR THEM TO MAINTAIN THE SUCCESS. WE PRAY FOR THE UNITY, PROGRESS AND A BETTER PROFESSIONALLY ORIENTED FRATERNITY AND SORORITY. AMEN.
"‎3 CATEGORIES OF
TRISKELION MEMBERS"
A. SENIOR TRISKELION
1. School Based Triskelion - College students enrolled and initiated by Senior Triskelions in any college, university, and institution recognized by the Local Council.
2. Community Based Triskelion – Employed, Self-Employed and College student enrolled in a school not affiliated with any Council whose residency is within the community.
B. JUNIOR TRISKELION – High School students initiated by Senior and/or Junior Triskelions in any high school recognized by the Council.
C. ALUMNI TRISKELION
1. Chapter Based Organization – Those Triskelion who initiated or welcome from the chapter can organize their own Chapter Alumni Organization. He must be graduated from college or undergraduate Triskelion who possess the following:
a. At least a bonafide member of four (4) years;
b. Gainfully employed, self-employed or pursuing business
c. He must be successful in life or excel in his chosen field of endeavor.
2. Alumni Association – Identify and integrate various Triskelion chapters, councils and bodies to harness their relative strengths and be utilized as a medium to accelerate development within the system such as the following: TOL, TOM, Trileg, TOG & TCC.

tenets and codes of conduct principles

Tenets and Codes of Tau Gamma: Principles

The Tau Gamma Principles / The Tau Gamma Way of Life/ The Inner Fortis according to r. zamora



We, as members of the Triskelion’s Grand Fraternity otherwise known as the Tau Gamma Phi, in our pursuit of tranquility, fulfillment of our hopes and aspirations, and profession of our unity should--- in addition to our Tenets and Codes of Conduct----- live by these principles:


Principle I: Self sacrifice. A Triskelion shall put the well being of other Triskelions before his.


Explanation: Explains itself. But in addition, if you join Tau Gamma, be prepared to give time, effort and money for free. Expect nothing in return.

Principle II: A Triskelion means love of God and Country.

Explanation: When you excel, you become a reflection of the Supreme Being. When you excel, it is for the betterment of the Philippines, it’s people, the Filipino people. Kapatirang Makabayan.

Principle III : Education. A Triskelion sees education as the currency to success. Knowledge is power.

Explanation: Means go to school, get an education. Education includes trade, vocational, college. The more educated you become the more oppurtunities you have, the more influential you become.

Principle IV: Triskelion despises a drug dealer, the ultimate criminal of society.

Explanation: Drugs is the poison of society. It destroys the future of the Philippines. A Triskelion is drug free.

Principle V: The Focused Mind: A Triskelion knows what he wants and gets what he wants.

Explanation: Means a Triskelion is goal oriented. He sets his mind on his goal and puts a 100% effort to achieve that goal. Finish what you started. Multi-tasking. Attention to detail.


Principle VI: Finances. A Triskelion is shrewd in money but is honest. He is calculating in business, property, occupation, money with respect to other people. He is the excellent money manager.


Explanation: Means a Triskelion is a wise investor and a good businessman. He’s a hustler with regards to money. He maintains good accounting records so he knows where he stands financially. With his principles, he is the person holding the money. In addition to this, a Triskelion--- being a hardwork and with his burning desire for excellence--- he ends up being the manager, the supervisor, the business owner, the landlord, the topnochter, the scholar, the professional, the decision maker. And if you want something done, go to him.

Principle VII: A Triskelion shall voluntarily remit what he/she can afford to his Tau Gamma Phi Chapter Treasury.

Explanation: The Tau Gamma Chapter after the individual Triskelion is the basic unit of the fraternity. All organizations need money to maintain it’s administrative functions, finance it’s projects, give support to other Triskelions.

Principle VIII : Pain. A Triskelion can endure excessive physical pain. It’s his mind over his physical body.
Explanation: Literally means what it says. He applies this principle to his work, study, profession. It's the extra mile that he can put in despite the pain.


Principle IX: A Triskelion is a family man. He takes care of his family.

Explanation: Means a Triskelion provides food, housing and education to his family. It also means providing love to his family like dating his partner in life, taking her out to movies, taking kids to basketball, etc.These things doesn't necessarily mean fancy meals or extravagant outings. It is spending quality time to your family. It's what you put rather than what you receive from your family that is important. Tau Gamma Phi is an advocate in strenghtening the filipino family.

For a young Triskelion, that means respecting your parents like being polite to them, helping in the house, do your homework. Go get a job if you are a stand-by.


Principle X: Physical Fitness: A Triskelion takes care of his physical body and his looks.


Explanation: Means we must not be fat so we can avoid diabetes, high blood, heart attacks. A Triskelion ideal body is that like of Arnold Swazenhager. As for Looks dapat laging nag-papa-pogi(make one’s self handsome). Follow the TGP Dress Codes. It will make you look sharp and feel good about yourself.
This is the reason why there are no ugly Triskelions. Walang pangit na Triskelion.


Principle XI: A Triskelion is a hard-working tenacious competitor.

Explanation: This is a literal meaning. A Triskelion never easily gives up but has the judgement to know when to cut his loses. He knows how to re-group and look into himself and come up with better ways to approach problems. He is also a risk taker but avoids un-necessary risk. Kick the procrastination habit.

Principle XII: Remembrance. February 13 is Tau Gamma Phi Remembrance Day.. Remember the fallen and those who gently passed away.
Explanation: Self explanatory.


Principle XIII: The Tau Gamma Phi Multiplication Principle means Triskelions multiply. Everyday is recruitment day.

Explanation: Triskelions multiply.Our population should always go up. Recruitment is a never ending thing in Tau Gamma. Tau Gamma promises a successful career, lifelong frienships, and a good life.We share its benefits to the World and it is free.

Principle XIV: The Tau Gamma Phi demands the best of every Triskelion in his field of interest and endeavor and accepts nothing less.
Explanation: Means what it says plus if you do a half-hearted work, you are just fooling yourself. If you do bad work, people would untimately know and that is the end of your career. Bad work is triskelion unbecomming. If you are a Triskelion, you are expected to do excellent work.


Principle XV: Every Triskelion deserves the respect of other Triskelions. It is a right.

Explanation: Acceptance into the Order of Triskelions is an accomplishment. Give respect to all fellow Triskelions even if there is a difference of opinion. Live and Let Live.

Principle XVI: A Triskelion shall use other people’s money to further his agenda;. but he pays back what he borrows.

Explanation: Borrowing other people’s money and investing it wisely is a multiplier of your financial capacity. Pay back what you owe so the money will be there the next time you need it.

Principle XVII: Delegation. A Triskelion shall inspire other people to further his agenda. This is includes hiring, influencing, delegating other people to attain your goal.

Explanation: Get other people to supplement the skills you do not have. Surround yourself with specialists. A Triskelion is the brain, the one who determines what is to be done and tells it to his subordinates. A Triskelion is the employer, not the employee. He is the landlord, not the renter. He is the Congressman, not the assistant of some lousy congressman.

Principle XVIII : A Triskelion shall communicate, coordinate, join forces with other Triskelions and Triskelion entities.

Explanation: Before school, in school, after school , or out of school, report to TGP groups,chapters, Councils, or TGP internet groups. Tau Gamma Phi is a Triskelions’ resource.

Principle XIX: Differences. At the end of the day, all Triskelions all over the world stand united. Triskelions do not fight other Triskelions.

Explanation: Means what it says. Ideas and proposals shall be debated, challenged for the good of the Frat. And what is good for the Frat shall always prevail. After the fire, comes the gold and we forget the arguments and be brothers united.


Principle XX: A Triskelion helps another Triskelion in need and expects nothing back.


Explanation: A Triskelion helps a brod in need and when that brod in need overcomes his dire situation, he will help other brods in the same situation he was originally in and so forth and so on. And this should be in the spirit of the Frat as we are Brothers.

Principle XXI: A Triskelion learns from his mistakes and he never commit it twice.

Explanation: A mistake is a learning experience for a Triskelion. When he is down, he never panics, whine, complaint, or blames other people. But rather, he picks himself up,
Thinks, and gets back to work as if nothing happened.


Principle XXII: A Triskelion is like chess player, he’s three steps ahead.

Explanation: Planning is the first step in achieving your goal. A Triskelion writes what we wants to accomplish and develops long term and short term strategies to reach that goal.. A Triskelion is both a thinker and a doer, a strategist and an excellent tactician. He can adapt to situations and change the situations to his advantage.


Principle XXIII A Triskelion prays at least once a day.


Explanation: Pray to whoever god you want to pray. Tau Gamma Phi believes in the existence of a Supreme Being but is not a religion. To whom you pray is none of the fraternities' business.

Principle XXIV : A Triskelion should amass Wealth. It’s a virtue.

Explanation: Self-explanatory. No Triskelion is poor. He’s not lazy. He’s not a helpless cry baby nor a hopeless pessimist but rather an optimist, a problem solver and makes the best use of what he has.

Principle XXV: A Triskelion picks his battles to win his war. He takes the initiative if there is a gain. He is cunning, calculating but never arrogant and never rush to judgement. He uses his intellect ratther than force.

Explanation: A Triskelion is wise and calculating. The Mind of a Triskelion is stronger than his physical strenght, the outer Fortis. A Triskelion has a Silent Moment. That is the time he thinks deeply.

Principle XXVI Common sense.

Explanation: Use your head.


With the help of the Almighty God, we live by these Tau Gamma Principles, Tenets and Codes of Conduct, the sources of our strength and power.